Pasasalamat Sa Mga Sinanunang Kabihasnan

                                    PASASALAMAT SA MGA SINAUNANG KABIHASNAN


Noon madami akong katanungan sa sarili ko kung paano nagsimula ang lahat. Paano ang pamumuhay ng mga tao noon? Paano ang paraan ng pagsusulat nila? Paano sila magsamba o may relihiyon na ba noon? Paano sila nakakarating sa mga paroroonan nila? Paano ang mga batas nila noon? 

Ang daming mga paano mga tanong na mabuti na lang nasagot na at doon naliwanagan na ako. Buti na lang may araling panlipunan na asignatura na tumalakay sa aking mga paanong tanong. 

Simple ang buhay ng mga sinaunang kabihasnan may mga kultura, agrikultura, edukasyon, pamahalaan, relihiyon, transportasyon at kung ano pa na meron tayo ngayon. Akalain mo inuukit nila ang kanilang mga sulat sa bato, gumagagawa na sila ng mga hugis bilog para maging gulong sa kanilang transportasyon, gumagawa na ng mga templo at kung ano pa, May mga iba't ibang Diyos na sinasamba. May mga batas na sila noon kaya may sinusunod na sila para maging matiwasay ang pamumuhay. Maraming pang iba na sila ang nagpasimula ang lahat. Ibig sabihin nito at sagot narin sa mga katanungan ko ang lahat ng bagay na meron tayo ngayon ay dahil sa nasimulan na ito ng mga sinaunang kabihasnan. Kaya akoy lubos na nagpapasalamat sa kanila dahil napakalaki ang naging ambag nila sa anong buhay meron tayo ngayon. Siguro nga may malalaking pagbabago pero ang katotohanan na sila ang nagbigay halimbawa sa atin ay isang napakalaking bahay para pasalamatan at pagyamanin. Sa pang araw araw nating pamumuhay makikita parin natin ang kanilang ambag sa kasalukuyan kaya bilang pagtatapos mag-iiwan ako ng isang katanungan para sa iyo. Paano mo pa pagyayamanin ang mga pamanang ito?



Ilang Larawan na Magpapatunay na Sagot Sa Aking Tanong.


Kabihasnang Asya


Kabihasnang Egypt
  

Cuneiform






Comments